dzme1530.ph

PAGTALAKAY SA ARTICLE 1 O ANG PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL FUND NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, POSIBLENG ABUTIN NG MAHIGIT ISANG BUWAN

Loading

POSIBLENG lumagpas ng isang buwan ang pagtalakay ng House Prosecution Panel sa Article 1 ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa paggamit ng confidential fund.
 
Sinabi ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, batay sa pre-trial brief na isinumite ng prosekusyon, aabutin ng 31 trial days ang pagpresinta nila ng 27 na testigo at mga ebidensya kaugnay sa Article 1.
 
Sinabi ni Tongol na bagama’t inanunsyo na ng prosekusyon na 13 na lamang sa halip na 27 ang ihaharap nilang testigo, dedepende pa rin ang tagal o bilis ng hearing sa authentication at identification ng mga dokumento.
 
Sa schedule ngayon ng korte na Lunes hanggang Miyerkules, o tatlong beses kada linggo ang impeachment trial, ang 31 trial days ay katumbas ng dalawa’t kalahating buwan.

About The Author