![]()
Tinaya ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando na nasa P60 million ang nawawala sa mga minimum wage earners kada araw hangga’t hindi naipatutupad ang wage hike sa Metro Manila.
Nanindigan din si San Fernando na walang hurisdiksyon ang korte sa usapin ng wage order.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni San Fernando na dapat ipatupad pa rin ang wage order habang nagpapatuloy ang pagtalakay ng korte sa inihain na petisyon ng ilang kumpanya.
Kinumpirma rin ni San Fernando na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng administrative case laban sa hukom ng Pasig Regional Trial Court na humadlang sa dagdag-sahod.
