dzme1530.ph

PINAY TENNIS SENSATION ALEX EALA, KAMPEON SA WTA 500 MUBADALA DC OPEN!

Loading

Nasungkit ni Filipina tennis ace Alex Eala ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career matapos padapain si World No. 3 Jessica Pegula ng US para mapasakamay ang titulo sa 2026 Mubadala DC Open.
 
Ito ang unang WTA singles crown para sa bente uno anyos na Pinay na tinapos ang kanyang kampanya sa remarkable score na 4-6, 6-4, 6-0 sa final.
 
Si Eala ang kauna-unahang manlalaro mula sa Pilipinas na nagwagi ng WTA championship.
 
Bago makarating sa final, unang na-dethrone ng Pinay tennis sensation ang defending champion na si Leylah Fernandez sa second round bago pinatalsik si World No. 10 Elina Svitolina ng Ukraine sa last eight.
 
Sunod niyang tinalo si former World No. 1 Naomi Osaka bago nakarating sa championship round.

About The Author