dzme1530.ph

ALAMIN ANG TRANSIENT ISCHEMIC ATTACK O MINI STROKE

Loading

Ang transient ischemic attack (TIA), na kilala rin bilang mini stroke, ay isang mahalagang babala na maaaring mauna bago magkaroon ng totoong stroke.
 
Nangyayari ito kapag pansamantalang nababara ang daloy ng dugo papunta sa utak, ngunit kusang nawawala ang mga sintomas sa loob ng ilang minuto hanggang 24 oras.
 
Kabilang sa mga babala ang biglaang pamamanhid o panghihina ng mukha, braso o binti, lalo na sa isang bahagi ng katawan, hirap magsalita o umunawa ng salita, malabo o nawawalang paningin sa isa o parehong mata, pagkahilo, pagkawala ng balanse, at matinding sakit ng ulo na walang malinaw na sanhi.
 
Bagama’t maaaring mawala agad ang mga sintomas, hindi ito dapat ipagwalang-bahala.
 
Ayon sa mga eksperto, mas mataas ang panganib na magkaroon ng totoong stroke sa mga susunod na oras o araw matapos ang isang TIA kung hindi ito magagamot.
 
Pinapayuhan ang publiko na tandaan ang F.A.S.T.: Face o paglaylay ng mukha, Arms o panghihina ng braso, Speech o hirap magsalita, at Time o agad na tumawag ng emergency medical services kapag may mga ganitong sintomas.
 
Ang maagang pagpapasuri at paggamot ay makatutulong upang maiwasan ang mas malubhang stroke at maprotektahan ang kalusugan ng utak.

About The Author