dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN MATAPOS MAKARANAS NG DENGUE

Loading

Hindi nagtatapos ang pag-iingat kapag bumaba na ang lagnat ng isang may dengue. Ayon sa mga eksperto, mahalaga pa ring bantayan ang kalagayan ng pasyente habang nagpapagaling dahil maaari pa ring lumitaw ang mga komplikasyon sa mga susunod na araw.
 
Sa panahon ng pagrekober, mahalagang uminom ng sapat na tubig o oral rehydration solution kung inirerekomenda ng doktor, kumain ng masusustansiyang pagkain, at magpahinga nang sapat upang makatulong sa pagbabalik ng lakas ng katawan.
 
Pinapayuhan din ang mga pasyente na sumunod sa mga tagubilin ng doktor at magpabalik para sa mga kinakailangang follow-up o pagsusuri ng dugo kung kinakailangan. Huwag uminom ng anumang gamot nang walang payo ng doktor, lalo na ang mga gamot na maaaring magpataas ng panganib ng pagdurugo.
 
Dapat ding maging mapagmatyag sa mga babalang senyales tulad ng matinding pananakit ng tiyan, tuloy-tuloy na pagsusuka, pagdurugo sa ilong o gilagid, matinding panghihina, o hirap sa paghinga. Kapag naranasan ang mga ito, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital.
 
Paalala ng mga eksperto, ang maayos na pag-aalaga habang nagpapagaling mula sa dengue ay makatutulong upang maiwasan ang mga komplikasyon at mapabilis ang ganap na paggaling.

About The Author