dzme1530.ph

ARIANA GRANDE, MAGPAPAHINGA MUNA SA GITNA NG PUBLIC CONCERN SA KANYANG KALUSUGAN

Loading

Magpapahinga muna si Ariana Grande pagkatapos ng kanyang “Eternal Sunshine” tour sa London sa September 1.
 
Sa statement, sinabi ng kampo ng “Wicked” star na excited na si Ariana na matapos ang kanyang tour “on a high note, both healthily and happily,” at ma-enjoy ang much-deserved break.
 
Lantarang pinag-usapan sa social media ang overall health at well-being ng pop star, lalo na nang matapos niyang i-release ang music video ng kantang “Petal” nitong huling bahagi ng Hulyo, kung saan marami ang nag-alala sa kanyang itsura.
 
Sa comments section ng teaser ng “Petal” music video sa kanyang Instagram, ilang fans ang nagpaabot ng kanilang concern sa kanyang kalusugan at humiling ng kanyang paggaling.

About The Author