![]()
Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng advisory na nag-oobliga sa mga batang 15 years old pababa na kumuha ng work permit bago mag-participate sa public entertainment o information projects, kabilang ang pagko-content sa social media platforms.
Sa naturang advisory, ipinaalala ng DOLE sa publiko na ang mga batang under 15 years old ay pinagbabawalang magtrabaho sa ilalim ng Republic Act No. 9231, or the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Pinapayagan lamang ang exceptions kapag ang bata ay direktang nagta-trabaho sa ilalim ng solong responsibilidad ng magulang o legal guardian at tanging mga miyembro lamang ng pamilya ang kasama, o kung ang partisipasyon ng bata sa public entertainment o information ay kailangan.
Sa nabanggit na dalawang kaso, sinabi ng DOLE na kailangan ng work permit mula sa ahensya bago makapagtrabaho ang bata.
Nagbabala ang ahensya na pananagutin ang mga magulang o legal guardians kung may paglabag upang matiyak ang pagtalima sa advisory at sa batas.
