![]()
Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng prosekusyon na huwag isama si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused sa graft case na kinasasangkutan ni Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.
Hiniling ng prosecutors mula sa Ombudsman na alisin si Bonoan mula sa charge sheet para gamitin bilang state witness sa flood control cases.
Gayunman, sinabi ng anti-graft court na, dahil nabasahan na ng sakdal ang senador noong June 4, anumang substantial amendment sa charge sheet na magpapabago sa mga alegasyon at teorya mula sa coordinated criminal action ay hindi pinahihintulutan sa yugtong ito.
Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang pagbabago ng impormasyon ay hindi magiging patas para sa mga depensang available para kay Estrada na may karapatang umasa sa orihinal na paratang kung saan naghain siya ng plea.
Idinagdag ng anti-graft court na hindi pinagbabawalan ang prosekusyon na hilingin ang pagpapawalang-sala kay Bonoan upang maging state witness sa angkop na yugto ng paglilitis.