dzme1530.ph

MGA BANTA LABAN KINA PANGULONG MARCOS AT SEN. HONTIVEROS, NAGMULA SA PAREHONG MGA INDIBIDWAL, AYON SA NBI

Loading

Isiniwalat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ang mga indibidwal na umano’y nagbanta kay Sen. Risa Hontiveros ay siya ring gumawa ng mga pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Sinabi ni Matibag na maraming natanggap na banta ang NBI laban sa Pangulo, subalit hindi siya makapagbibigay ng detalye dahil kasalukuyan pa itong iniimbestigahan.
 
Naglunsad ang ahensya ng imbestigasyon matapos makatanggap si Hontiveros ng death threats online, kasunod ng pagpaslang sa vlogger na si Alicia “Mina” Lipata sa labas ng bahay nito sa Caloocan City noong July 17.
 
Una nang inihayag ni Matibag na tukoy na ng NBI ang persons of interest sa online death threats at comments laban kay Hontiveros.

About The Author