![]()
Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na ibalik ang P9.5 billion sa kanilang consumers.
Ang refund ay kaugnay sa Actual Weighted Average Tariff (AWAT).
Batay sa desisyon ng ERC, dapat ipatupad ang refund sa loob ng anim na buwan, at ang average refund rate ay P0.3448 per kilowatt-hour.
Nag-ugat ang refund sa kautusan ng ERC, kung saan idineklara ng Komisyon bilang “lapsed” ang original Fifth Regulatory Period ng Meralco mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2025.
Inatasan din ng ERC ang electric firm na magsumite ng reports kapag naisauli na nang buo sa mga customer ang naturang halaga.
Sa statement, sinabi ng Meralco na tatalima sila sa direktiba ng ERC.
