dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA SANHI NG DARK CIRCLES SA ILALIM NG MATA

Loading

Karaniwang iniuugnay ang pagkakaroon ng dark circles o maitim na bilog sa ilalim ng mga mata sa kakulangan sa tulog. Pero alam ba ninyo na maaari ring dulot ito ng allergies, genetics, pagtanda at iba pang salik?

 
Ang dark circles ay pag-itim ng balat sa paligid o ilalim ng mga mata. Maaari itong magmukhang kayumanggi, asul, lila o halos itim, depende sa sanhi at kulay ng balat ng isang tao.
 
Ayon sa mga dermatologist, hindi ito karaniwang senyales ng malubhang sakit, pero maaari itong maging resulta ng pinagsamang epekto ng mga pagbabago sa balat, blood vessels at ilang lifestyle factors.
 
Ilan sa mga dahilan nito ay:
 
• Una, kakulangan sa tulog.
 
• Pangalawa, genetics o namamanang katangian. May mga taong likas na mas maitim na pigmentation sa paligid ng mata dahil sa kanilang genetic makeup.
 
• Ikatlo, pagtanda. Habang tumatanda, numinipis ang balat at nababawasan ang collagen at fat sa paligid ng mata.
 
• Ikaapat, allergies. Ang allergic rhinitis o allergies ay maaaring magdulot ng pamamaga at pagkabara ng mga daluyan ng dugo sa paligid ng mata.
 
• Ikalima, sobrang pagkakabilad sa araw. Ang exposure sa ultraviolet rays ng araw ay maaaring magpasigla sa paggawa ng melanin o pigment na nagbibigay ng kulay sa balat.
 
• Ikaanim, dehydration. Kapag kulang ang tubig sa katawan, maaaring magmukhang lubog at hindi sariwa ang paligid ng mga mata.
 
• Ikapito, eye strain o pagkapagod ng mga mata. Ang matagal na pagtutok sa computer, cellphone at iba pang digital screens ay maaaring magdulot ng eye strain.
 
Bagama’t hindi ito direktang napatunayang sanhi ng dark circles, ang pagkapagod at pagkuskos sa mga mata ay maaaring magpalala ng itsura nito.

About The Author