dzme1530.ph

MGA EBIDENSYA NG PROSEKUSYON, TATAYO PA RIN, HUMARAP MAN O HINDI SI VP SARA SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Tatayo ang mga ebidensya ng prosekusyon humarap man o hindi sa korte si Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, lead prosecutor sa Article II o unexplained wealth, ang tanging alegasyon na natitira laban sa Bise Presidente.

Naniniwala si Ridon na magdedesisyon ang mga senator-judge base sa financial records at testimonial evidences na kanilang isinumite sa hukuman o impeachment court.

Tiwala ang taga-usig na hindi kayang baligtarin kahit na ni VP Sara ang bigat ng kanilang ebidensya.

Una nito sa assessment ni Deputy Speaker Janette Garin, kayang makuha ang 16 votes na kailangan para matanggal sa pwesto si Duterte kung hindi talaga nito sisiputin ang paglilitis para personal na ipaliwanag ang isyu sa unexplained wealth.

Una na ring inamin ni House lead prosecutor Gerville Luistro, na pinaghahandaan at inaasam pa rin nila ang pagtestigo ni VP Sara, kaya naman excited na rin silang i-cross examine ito.

About The Author