![]()
Nilinaw ng Department of Public Works and Highways na mananatiling eksklusibo para sa mga pampasaherong bus ang EDSA Busway.
Ito ay sa kabila ng pansamantalang pagbubukas sa mga pribadong sasakyan sa bahagi ng Nepa Q-Mart hanggang Boni Avenue stations sa susunod na dalawang linggo.
Layunin nito na maibsan ang bigat ng trapiko habang nagpapatuloy ang Phase 2 ng EDSA Rehabilitation sa Cubao, Quezon City hanggang sa Guadalupe, Makati City.
Tiniyak din ng DPWH na patuloy na ipatutupad ang mahigpit na traffic management measures katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority upang matulungan din ang mga motorista sa gitna ng road repairs at reblocking.
