![]()
NILINAW ni Senator Judge Panfilo Lacson na dalawa lamang ang kinikilalang uri ng reportable transactions sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) — covered at suspicious — at walang tinutukoy na “unusual” o kakaibang transaction.
Ginawa ni Lacson ang paglilinaw sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ilarawan ng mga dating branch managers ng Land Bank na sina Violeta Constantino at Nenita Camposano bilang “unusual” ang cash withdrawals ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).
Binigyang-diin ni Lacson na ang reportable transactions sa AMLA ay covered o suspicious.
Ang covered transaction, aniya, ay may threshold, at kahit hindi suspicious ang transaction, kailangan itong i-report kung lampas ito sa threshold amount na P500,000.
Binigyang-diin din ni Lacson na ang mga transaksyong kinasasangkutan ng mga “covered persons,” gaya ng mga casino at mga real estate developer at broker, ay saklaw ng mga reporting requirement ng AMLA.
Idinagdag pa niya na kahit ang karaniwang depositor na nagdedeposito o nagwi-withdraw ng halagang lampas sa P500,000 threshold ay itinuturing na covered transaction, kahit hindi ito maituturing na suspicious.
