![]()
Topmost urgent national concern ng mga Pinoy na dapat maresolba ng gobyerno ang pagkontrol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Batay ito sa tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.
Batay sa survey, 37 percent ng mga respondent ang nagsabi na pinakamahalagang isyung dapat tugunan ng pamahalaan ang mataas na presyo ng mga bilihin.
Pumangalawa naman sa presyo ng mga bilihin ang paglaban sa katiwalian na naitala sa 32 percent; sumunod ang access sa affordable food na may 24 percent; de-kalidad na edukasyon na may 22 percent; at laban kontra droga na may 16 percent.
Lumitaw din sa survey na nasa huling talaan ng mga national concern ng mga Pinoy ang pagtupad sa pangakong ibababa ang presyo ng bigas na nasa 14 percent.
Ang iba pang national concerns ay ang poverty reduction at tulong sa mahihirap, at maibaba ang buwis na binabayaran.
Samantala, nangunguna naman sa urgent personal concerns ang pananatiling malusog at makaiwas sa sakit na naitala sa 65 percent, sinundan ng pagkakaroon ng sapat na pagkain kada araw na may 47 percent; sinundan ng pagkakaroon ng savings at makakuha ng well-paying job na kapwa 41 percent.
Ginawa ang survey mula July 4 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.
