dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, IPINAGMALAKING PINAPABORAN NG DIYOS SA PAGPAPANATILING MATAAS NA RATINGS

Loading

“Favored ako ng Diyos.”
 
Reaksyon ito ni Vice President Sara Duterte sa pananatili ng magandang ratings batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia.
 
Sinabi ng Bise Presidente na hindi niya maipapaliwanag ang resulta ng mga survey dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa o kung sino ang nagpapagawa.
 
Subalit, kapag may bagong survey ay nagpapasalamat siya sa patuloy na pagtitiwala ng mga Pinoy sa kanya at sa kanyang mga kasamahan sa Office of the Vice President (OVP).
 
Sa pinakahuling survey ng SWS, lumitaw na bumaba sa 34 percent ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang stable pa rin ang rating ng Bise Presidente sa 57 percent.
 
Sa Pulse Asia survey nitong July, naitala ang trust rating ng Bise Presidente sa 58 percent, habang kay Pangulo ay 27 percent.

About The Author