dzme1530.ph

3,700 PINOY SEAFARERS, NAKALABAS NA NG STRAIT OF HORMUZ

Loading

Tinaya sa 3,700 Filipino seafarers ang ligtas na nakalabas sa Strait of Hormuz, sa gitna ng umiiral na tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
 
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na patuloy ang kanilang ahensya sa pag-monitor ng kaguluhan sa naturang rehiyon.
 
Samantala, nasa 2,500 Pinoy seafarers pa aniya ang nananatili sa Persian Gulf at naghihintay ng pagkakataong makaalis.
 
Inihayag ni Cacdac na prayoridad ng pamahalaan na masiguradong ligtas na makalalabas sa Strait of Hormuz ang mga natitirang seafarers.

About The Author