dzme1530.ph

SONA NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR., PAG-AAKSAYA LANG NG ORAS NG PUBLIKO

Loading

Pag-aaksaya ng oras ng taumbayan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Ito ang assessment ni Vice President Sara Duterte, na umaming hindi niya pinanood ang SONA at wala rin siyang planong basahin ang nilalaman ng talumpati, kahit ang summary nito.
 
Kasabay nito, pinuna ng Bise Presidente ang kabiguan ng Pangulo na tuparin ang kanyang mga pangako.
 
Ipinaliwanag ni VP Sara na dalawang bagay lamang ang hiningi niya noon sa pagpayag sa pagkandidato bilang Bise Presidente, at hindi aniya ito sinunod ng Pangulo.
 
May kinalaman aniya ang isang pangako sa kailangan niyang gawin gabi-gabi para sa kanyang anak dahil bata pa ang kanyang anak.
 
Idinagdag ng Bise Presidente na nauunawaan niya ang hindi pagtupad sa personal na pangako, pero hinanap niya ang pangako sa taumbayan na bente pesos na kilo ng bigas.
 
Hinahanap din ni VP Sara ang pangako ng Pangulo na may makukulong sa flood control project scam bago ang Pasko noong isang taon.
 
Kung ganito na aniya ang nangyayari, bakit pa maniniwala sa Pangulo.

About The Author