![]()
Mahigit dalawang minutong binomba ng tubig ng isang China Coast Guard (CCG) vessel ang isang barko ng Pilipinas malapit sa Bajo de Masinloc kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsagawa rin ng dangerous maneuver ang CCG vessel laban sa isa pang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Inihayag ni PCG Rear Admiral Jay Tarriela na wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng dalawang barko ng Pilipinas ang kanilang fuel subsidy mission para sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
