dzme1530.ph

MGA ORGANIZERS NG RALLY SA SONA, HINIMOK NA TUMULONG SA PAGTIYAK NG KALIGTASAN NG PUBLIKO

Loading

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga organizers ng mga rally para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes na tumulong sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga dadalo sa kanilang mga aktibidad.
 
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na dapat tiyakin ng mga organizers na mayroon silang kaukulang permits at nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan at sa PNP.
 
Ipinaliwanag ni Nartatez na mahalaga ang koordinasyon, hindi lamang bilang pagsunod sa mga regulasyon kundi para rin sa public safety at security.
 
Ipinaalala rin ni Nartatez na ang bawat indibidwal at grupo ay may karapatang ipahayag ang kanilang mga saloobin, na aniya’y igagalang ng pulisya.
 
Mahigit 20,000 pulis ang ipakakalat upang magbantay at magbigay ng seguridad kaugnay ng SONA.

About The Author