![]()
Nakatakdang i-award ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang critical contract packages para sa matagal nang planong Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Gayunman, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na inaasahang magpapatuloy ang konstruksyon ng naturang proyekto lampas sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Inihayag ng kalihim na malapit nang ianunsyo ang major developments para sa flagship infrastructure project, na naglalayong pag-ugnayin ang mga lalawigan ng Bataan at Cavite sa pamamagitan ng Manila Bay.
Idinagdag ni Dizon na ilang bahagi ng proyekto ay isinasagawa na habang naghahanda ang pamahalaan sa pag-award ng mahahalagang contract packages.
