![]()
IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang kalayaan sa pagpapahayag, kahit sa gitna ng mga usaping pampulitika, ay hindi nagbibigay ng karapatang maliitin o gawing hindi makatao ang sinuman.
Ang pahayag ni Gatchalian ay tugon sa video na inilabas noong Hulyo 10 kung saan inilarawan ang mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng 2016 Arbitral Award.
Ayon kay Gatchalian, ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa ay dapat magbunga ng mas matalinong pag-uusap at hindi ng pagpapalaganap ng diskriminasyon o pagkiling.
Nanawagan din siya sa mga media organization at iba pang institusyon na maging mas maingat sa paglikha at pagpapakalat ng mga materyal na maaaring magpalala ng tensyon at makasakit sa dignidad ng ibang lahi o bansa.
Binigyang-diin din ng Senate President na sa isang malayang lipunan, may kaakibat na pananagutan ang mass media at mga communications platform na itaguyod ang katotohanan at pagiging sibil sa pampublikong diskurso.
Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, tinanong niya kung unggoy ang mga Pilipino, ano naman ang maituturing sa kanila kung pag-uugali at karakter ang pagbabatayan.
