dzme1530.ph

PILIPINAS, NAGHAIN NG DIPLOMATIC PROTEST LABAN SA ‘RACIST’ VIDEOS AT CARTOONS NG CHINA DAILY

Loading

Pormal na naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa “dehumanizing and racist” depiction ng mga Pilipino sa videos at editorial cartoons ng China Daily kaugnay ng 2016 Arbitral Ruling.
 
Ayon sa ahensya, unang ipinaabot ng Pilipinas ang mariing pagtutol sa “offensive content” nang direktang sabihin ni DFA Undersecretary Leo Herrera-Lim ang isyu kay Chinese Ambassador Jing Quan sa kanilang face-to-face meeting kahapon.
 
Pinapaalis ng Pilipinas sa Chinese state-run media outlet ang AI-generated video na ipinost sa social media kung saan inilarawan ang mga Pilipino bilang mga unggoy habang binabatikos ang 2016 Arbitral Ruling.
 
Pinalagan ng DFA ang video na isinapubliko ng China Daily, na tinawag nilang “racist” at “deeply offensive.”
 
Sinabi ng kagawaran na lumampas ang China Daily sa lehitimong political debate at tahasang gumamit ng demeaning, dehumanizing, at racist depictions sa mga Pilipino.
 
Idinagdag ng DFA na mariin nilang tinututulan ang paglalarawan sa mga Pinoy bilang mga unggoy sa video na isinapubliko noong July 10.
 
Ipinost ng China Daily sa social media ang naturang video, dalawang araw bago ang ika-10 anibersaryo ng makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na nagpatibay sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

About The Author