![]()
Hindi nakapag-perform si Sunoo ng ENHYPEN sa concert ng grupo sa Mexico City noong Martes bunsod ng biglaang health issue, ayon sa kanilang agency na BELIFT LAB.
Ginawa ang anunsyo halos dalawang oras bago ang show, na bahagi ng ongoing na “Blood Saga” world tour ng ENHYPEN.
Humingi rin ng paumanhin at pang-unawa ang BELIFT LAB, kasabay ng pagtiyak na susuportahan nila ang recovery ni Sunoo upang gumaling ito sa lalong madaling panahon.
Matapos ang three-show run sa Mexico City, ipagpapatuloy ng K-pop group ang kanilang tour sa North America ngayong July 17.
