dzme1530.ph

COMMODORE JAY TARRIELA, BUMUWELTA SA ANIMATED VIDEO NG CHINA STATE MEDIA

Loading

Bumuwelta si National Task Force for the West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela sa AI-animated video ng China state media kung saan inilarawan na unggoy ang mga Pilipino.

Kasabay nito, tinanong ni Tarriela kung hihilingin ba ng ilang senador na humingi ng tawad ang China sa mga Pilipinong binabastos sa naturang video.

Ito ay sa gitna ng pag-alala ng opisyal sa pagkondena sa kanya noon ng ilang senador sa paggamit niya ng caricature sa isang lecture.

Pinagsabihan noon si Tarriela ng ilang senador na humingi ng tawad sa China.

Binigyang-diin ni Tarriela na nang gumamit siya ng isang caricature ay naghain ng diplomatic protest ang China dahil binabastos umano niya ang kanilang lider.

Sa video na inilabas ng China Daily, iginiit ni Tarriela na ang ating pagka-Pilipino ang binabastos at minamaliit ng China.

About The Author