dzme1530.ph

AI-GENERATED RACIST PROPAGANDA NG CHINA LABAN SA MGA PINOY, NAKAKATAWA, AYON SA PHIL NAVY

Loading

Nakatawa para kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ang inilabas na AI-generated racist propaganda ng China Daily kaugnay sa 2016 Arbitral Ruling.
 
Sa naturang propaganda, inilarawan ang mga Pilipino bilang mga unggoy.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Trinidad na pagpapakita ito kung gaano kababa ang pananaw ng China sa mga nangyayari sa rehiyon.
 
Tiniyak naman ni Trinidad na hindi papatol ang ahensya sa mababaw na aksyon ng China sa pagpapalabas ng propagandang ito, bagkus ay ipinapakita lamang natin ang kanilang pagkakamali.

About The Author