dzme1530.ph

NET SATISFACTION NI VP SARA, TUMAAS SA +31 NOONG HUNYO, AYON SA SWS SURVEY

Loading

Bahagyang tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte noong Hunyo bago ang kanyang impeachment trial sa Senado, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
 
Sa July 20-29 survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 58% ang kuntento sa performance ni Duterte, habang 26% ang hindi kuntento.
 
Dahil dito, nakapagtala si VP Sara ng net satisfaction rating na +31, na mas mataas ng 2 puntos mula sa +29 noong March 2026.
 
Samantala, tumanggap naman si Sen. Sherwin Gatchalian ng net satisfaction rating na +18 sa kanyang unang buwan bilang Senate President.
 
Nakapagtala naman si Speaker Bojie Dy ng 4-point increase sa kanyang net satisfaction rating, na mula sa +4 noong March ay umakyat sa +8 noong Hunyo.
 
Nag-improve din ang rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo ng isang puntos, mula sa +9 noong March ay umakyat sa +10 noong nakaraang buwan.
 
Una nang iniulat na tumaas ng 8 puntos o sa -7 ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo mula sa record-low na -15 noong March.

About The Author