![]()
Tumaas ang bilang ng mga nagtatrabahong bata, edad 5 hanggang 17, noong nakaraang taon, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, 868,540 ang estimated number ng working children noong 2025, mas mataas sa 861,450 noong 2024.
Gayunman, mas mababa ang bilang noong nakaraang taon kumpara sa 1.09 million working children na naitala noong 2023.
Ang 868,540 working children ay kumakatawan sa 3.1% ng child population noong nakaraang taon, na mas mataas kumpara sa 2.7% noong 2024, subalit mas mababa sa 3.5% noong 2023.
Batay sa datos, ang services sector ang may pinakamataas na percentage ng working children sa nakalipas na tatlong taon, sumunod ang agriculture sector, habang panghuli ang industry sector.
