![]()
Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinalakas ng kanyang tatlong araw na state visit sa Singapore ang bilateral ties at nakapag-secure ng investment commitments na susuporta sa digital transformation, infrastructure development, at healthcare expansion sa bansa.
Sa naturang pagbisita, nakipagpulong si Marcos kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong, at sa mga business and investment executives, at dumalo sa Milken Institute’s Roundtable Discussion, kasama ang regional business leaders.
Ibinahagi ng Pangulo na tinalakay nila ni Wong ang pagpapalawak ng kooperasyon sa trade and investment, artificial intelligence (AI), education, environment, healthcare, at people-to-people exchanges.
Tinukoy din ni Marcos ang kanyang meetings sa mga nangungunang Singaporean companies and investors, sa pagsasabing nananatiling committed ang pamahalaan sa pagpapabilis ng digital transformation at pagpapalakas ng critical infrastructure.
