![]()
Tinawag ng prosecution team na “desperadong hakbang” ng kalaban ang pagpapakalat ng fake news at disinformation sa social media kaugnay sa impeachment trial.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, ang pagkalat ng maraming trolls ay simbolo ng “desperation” ng kabilang kampo.
Ito umano ang dahilan kung bakit umaapela sila sa taumbayan na panoorin ang nangyayaring trial upang hindi sila mabiktima ng fake news.
Pinahalagahan naman ni Kapunan ang papel ng mainstream media, lalo na ang nagko-cover sa impeachment trial.
May obligasyon din ang mainstream media sa pagpapalaganap ng totoong balita, at hiniling niya na mag-self-police ang mga ito.
Para kay prosecutor Joel Chua ng Maynila, labanan ng katotohanan at fake news ang nangyayari ngayon.
Ang pagharap umano nila sa media interview ay bahagi ng hakbang para maipaliwanag nang maayos ang mga nangyayari sa pagdinig.
Saad nina Kapunan at Chua, hindi pa rin nagwawagi ang trolls at fake news kaya sa pamemersonal nauuwi ang mga pag-atake sa kanila.
