![]()
Asahan ng power consumers sa Luzon, Visayas, at Mindanao grids ang bahagyang pagtaas ng transmission charge na magre-reflect sa kanilang July 2026 electricity bills.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tumaas ng 0.77% o sa ₱1.46 per kilowatt-hour ang average transmission rate para sa June billing period mula sa ₱1.45 per kilowatt-hour noong May billing period.
Iniugnay ng grid operator ang increase sa overall transmission sa pagtaas ng ancillary service rates, na pass-through costs para sa kuryenteng isinusuplay ng power generators na nagsisilbing AS providers, sa panahon na hindi balanse ang supply at demand.
Samantala, bumaba naman ang transmission wheeling rate ng NGCP, na sinisingil sa pag-deliver ng kuryente sa pamamagitan ng grid.
