![]()
Ipinagmalaki ng gobyerno na world-class ang logistic system na ginagamit para sa distribusyon ng bakuna, sa tulong ng internationally compliant cold chain at delivery systems ng PharmaServ Express.
Ang PharmaServ ay nakatuwang ng Department of Health simula pa noong 2017.
Bago ito, gumagamit lamang dati ang DOH ng mga styrofoam box at ice pack para sa pag-iimbak at paghahatid ng mga bakuna.
Ayon kay PharmaServ Express President Andrian Perez, tumutugon ang kanilang teknolohiya sa highest international standard para sa vaccine storage at transport.
Matagal na umanong nagsasagawa ng distribusyon ng bakuna ang PharmaServ Express na nagdala ng makabago at world-class na teknolohiya sa bansa bago pa man nangyari ang COVID-19 pandemic.
Isa sa pinakamahalagang inobasyon nito ay ang paggamit ng International Safe Transit Association-validated biothermal packaging systems na kayang panatilihin ang kinakailangang temperatura nang hanggang 168 hours.
Mayroon ding real-time visibility at end-to-end traceability ang sistema na nagbibigay sa DOH ng live temperature at location monitoring para sa bawat shipment ng mga bakuna.
