![]()
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong para pagtibayin pa ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ginanap ang bilateral meeting ng dalawang lider sa Istana, kung saan matatagpuan ang mga opisina ng Presidente at Prime Minister ng Singapore.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay nina Marcos at Wong ang pagpapalawak ng kalakalan, paggamit ng oportunidad sa artificial intelligence, paghikayat ng mas maraming investments, at pagpapalakas ng kolaborasyon sa health at social development.
Idinagdag ng PCO na muling pinagtibay ng Pilipinas at Singapore ang kanilang shared commitment na panatilihin ang ASEAN bilang mapayapa, matatag, at maunlad na rehiyon na may magagandang oportunidad para sa kanilang mamamayan.
Mananatili sa Singapore si Pangulong Marcos hanggang bukas, July 16, para sa tatlong araw na state visit.
