dzme1530.ph

SEN. IMEE MARCOS,NAGBABALA SA NEGATIBONG EPEKTO SA HINDI PAGSANG-AYON NG PILIPINAS SA KAGUSTUHAN NG US NA BUWAGIN ANG ICC

Loading

NAKAAALARMA para kay Senador Imee Marcoos ang pagbalewala ng administrasyon sa kampanya ng Estados Unidos para buwagin na ang International Criminal Court o ICC.
 
Sinabi ni Marcos na ang isyu ay hindi ang pagkakaroon ng kontrol ng basa sa polisiya ng Estados Unidos kundi kung nauunawaan ng gobyerno ang epekto sa bansa ng patuloy na hindi nito pagtalima sa ICC.
 
Iginiit ng senador na posibleng magdulot ng lamat sa diplomatic relations ng Pilipinas at US na matagal nang itinuturing ng bansa bilang kakampi.
 
Babala pa ng senadora na maaari itong magtulak sa mas paghihigpit ng US sa mga Pinoy sa Estados Unidos at maaari rin umanon makaapekto sa pagkuha ng US Visa at ekonomiya ng bansa.
 
Dapat din anyang isapubliko ng Malakanyang ang mga pakikipagkasundo nito sa ICC at ipaliwanag kung ano ang plano at paninindigan,
 
Una na ring binatikos ni Marcos ang pakikipagtulungan ng Marcos Administration sa ICC at ang pagsusuko kay dating Pangulong Rodrido Duterte sa ICC na nililitis dahil sa crimes against humanity.

About The Author