![]()
Kabuuang 24 Chinese vessels ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa key features ng West Philippine Sea simula July 7 hanggang 13.
Sa latest report, 21 China Coast Guard ships at tatlong People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang nag-o-operate sa mga lugar sa loob ng Philippines’ Exclusive Economic Zone.
Sa nakalipas na linggo, labintatlong Chinese vessels ang naispatan sa Bajo de Masinloc; apat sa Ayusin Shoal; tatlo sa Escoda Shoal; at apat sa Pag-asa Islands.
Ang weekly monitoring ay bahagi ng mga hakbangin ng PCG upang matunton ang presensya at galaw ng foreign vessels sa West Philippine Sea upang igiit na teritoryo ng Pilipinas ang mga naturang lugar.
