dzme1530.ph

BAGONG DOH SECRETARY, SUPORTADO NG IBA’T IBANG GRUPO

Loading

Tiniyak ng iba’t ibang organisasyon ang kanilang suporta sa bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Dr. Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr.
 
Sa magkakahiwalay na mga pahayag at liham, kinilala ng mga grupo ang magandang takbo ng karera ni Pujalte sa pampublikong serbisyo, pagpapatakbo ng mga ospital, edukasyong medikal, at pamumuno sa sektor ng kalusugan.
 
Tiwala rin ang mga organisasyon na pamumunuan ni Pujalte ang DOH nang may integridad, kahusayan, at malasakit.
 
Kabilang sa mga nagpahayag ng pagbati at tiwala sa bagong DOH chief ay ang Philippine College of Surgeons, Philippine Dental Association, at Philippine Orthopedic Association na minsang pinamunuan ni Pujalte.
 
Gayundin ang Professional Regulatory Board of Nursing ng Professional Regulation Commission, Rotary Club of Manila, at Tondo Medical Center.
 
Si Health Secretary Pujalte ay isang beteranong orthopedic surgeon at career public health administrator na mahigit tatlong dekada nang naglilingkod sa pamahalaan.

About The Author