dzme1530.ph

”FITNESS” NI VP SARA NA MAGPATULOY SA TUNGKULIN, TINITIMBANG NG IMPEACHMENT COURT

Loading

“Fitness” ni Vice President Sara Duterte na magpatuloy pa sa tungkulin ang tinitimbang ng Impeachment Court.
 
Sagot ito ni House Deputy Speaker Janette Garin sa pagtuon ng defense team sa criminal guilt ni VP Sara sa mga ebidensyang ipiniprisinta laban dito.
 
Paliwanag ni Garin, hindi criminal prosecution ang ginagawa sa Impeachment Court kundi constitutional proceedings.
 
Hindi dinidetermina sa trial kung kriminal ba o hindi ang Bise Presidente, kundi pagtaya kung ang isang taong ibinoto ng taumbayan ay karapat-dapat na manatili sa posisyon nito.
 
Ang mga discrepancies na pinuna ng defense panel ay hindi, aniya, dapat makagulo sa mismong alegasyon na siyang inaaral ng Impeachment Court.
 
Giit pa ni Garin, walang maling comma o maling tuldok ang puwedeng magpabago sa isyung pinag-uusapan, na walang iba kundi ang “death threat.”

About The Author