dzme1530.ph

PROPOSED 2027 NATIONAL BUDGET, PATULOY NA HINIHIMAY, AYON KAY EXECUTIVE SECRETARY RALPH RECTO

Loading

Nasa proseso pa rin ng pagrerebisa ang Gabinete sa panukalang 2027 National Budget, upang maging repleksiyon lamang ito ng priority programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, matapos himayin ng Gabinete noong nakaraang Biyernes, tuloy-tuloy pa rin ang pagrepaso sa panukalang pambansang budget para sa 2027.
 
Ito, aniya, ay upang masigurado na ang budget ay alinsunod sa utos ng Pangulo na pawang mga programa lamang na pakikinabangan ng mamamayan ang paglalaanan ng pondo.
 
Ipinaalala ni Recto sa mga ahensya ang utos ni Pangulong Marcos na unahin ang mga programang maaaring agarang ipatupad nang walang delay.
 
Una nang ipinrisinta ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang ₱7.2-trillion National Budget para sa taong 2027, na kumakatawan sa 21.7% ng gross domestic product ng bansa.

About The Author