dzme1530.ph

ATTY. LEVITO BALIGOD, INISYUHAN NG WARRANT OF ARREST SA KASONG CYBERLIBEL

Loading

Inisyuhan na ng warrant of arrest ng Makati City Regional Trial Court si Atty. Levito Baligod kaugnay sa kasong cyberlibel na inihain ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
 
Kinumpirma mismo ito ni Baligod makaraang matanggap niya ang kopya ng warrant of arrest.
 
Sinabi ni Baligod na nakalusot sa kanya ang kaso makaraang maling address ang ibinigay sa korte, dahilan upang hindi makarating sa kanya ang subpoena at hindi siya nakapagsumite ng counter-affidavit.
 
Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Baligod na nag-deliver ng maleta-maleta umanong pera ang 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co sa ilang opisyal, kabilang si Laurel.
 
Itinanggi ni Laurel ang alegasyon at naghain ng cyberlibel case noong March 19, 2026.

About The Author