![]()
Nag-improve ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), bagaman nananatili pa rin itong may negative score.
Batay sa resulta ng Social Weather Report, umakyat sa -7 o neutral ang net satisfaction score ni Pangulong Marcos noong June mula sa -15 noong March.
46% ng adult Filipinos ang nagsabing kuntento sila sa performance ni Marcos, 39% ang hindi kuntento, at 15% ang undecided.
Isinagawa ang second quarter SWS survey simula June 20 hanggang June 29, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents sa buong bansa.
