![]()
NAGDESISYON ang Impeachment Court na sa Lunes paharapin sa pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte si NBI Director Melvin Matibag.
Ito ay alinsunod sa naging mosyon ni Senate President Sherwin Gatchalian na naggiit na dapat mabigyan ng sapat na panahon ang magkabilang panig at maging silang mga senator-judge na paghandaan ang pagharap ni Matibag sa korte.
Una rito, hiniling ng prosecution team na agahan ang pagtawag kay Matibag dahil may dadaluhan siyang regional summit sa susunod na linggo sa Bangkok, Thailand.
Sinabi naman ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na hindi dapat pagbigyan ang hiling dahil magiging bad precedent ito sa mga susunod na panahon.
Lilitaw aniya na nadidiktahan na ang schedule ng Impeachment Court.
Bago naman matapos ang ikaapat na araw ng impeachment trial, nagmosyon si Gatchalian na sa Lunes itakda ang pagharap ni Matibag sa pagsasabing may flights naman patungong Bangkok Lunes ng gabi.
Sa ruling ni Presiding Officer Senator-Judge Francis “Chiz” Escudero, iginiit na kung hindi matatapos ang pagtatanong kay Matibag sa Lunes ay kinakailangan siyang pabalikin sa ibang araw.
