![]()
Makabubuti para kay Vice President Sara Duterte na dumalo nang personal sa impeachment trial.
Tiniyak ni impeachment adviser at spokesperson Robert Ace Barbers na handang-handa ang prosekusyon na ilatag ang kanilang mga ebidensya at mga testigo, kahit sino pa ang dumating.
Matagal na umanong hinihintay ng taumbayan ang personal na pagsagot ng Pangalawang Pangulo sa mga isyung ibinabato laban sa kanya.
Magpapasalamat naman si House Deputy Speaker Paolo Ortega V kay VP Sara kung dadalo na ito sa proseso na tinaguriang “trial of the century.”
Wala namang nakikitang masama si Ortega sa hiling na makapagdala sila ng mga kagamitan at appliances sa Senado.
Noong Huwebes, bumisita si Atty. Zuleika Lopez kay Senate Secretary Renato Bantug Jr. upang magpaalam kung maaari silang magdala ng ilang gamit, gaya ng coffee maker.
