dzme1530.ph

PAG-ANGKIN NG CHINA SA BATANES, SERYOSONG ISYU SA MGA IVATAN

Loading

Itinuturing ng mga taga-Batanes na seryosong usapin ang lumabas sa isang academic symposium sa China na nagsasabing ang kanilang lalawigan ay isang “natural geographical extension” umano ng Taiwan at na ang soberanya nito ay nabibilang sa China.
 
Sa isang pahayag, nanindigan si Batanes Lone District Rep. Ciriaco Gato Jr. na ang Batanes ay isang lalawigan ng Republika ng Pilipinas at ang mga Ivatan ay mga Pilipino.
 
Ayon kay Gato, may matibay na batayan sa kasaysayan, Konstitusyon, at mga umiiral na batas ang pagiging bahagi ng Pilipinas ng Batanes, at ito ay mahalagang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan.
 
Aniya, ang anumang pahayag o insinwasyong kumukuwestiyon o nagbabalewala sa absolute sovereignty ng Republika ng Pilipinas sa kanilang lalawigan ay isang mabigat na usapin para sa mga Ivatan.
 
Dagdag pa ni Gato, ang naturang pahayag ay hindi lamang isang geopolitical provocation, kundi isa ring affront o paglapastangan sa kanilang identidad na hindi dapat palampasin.

About The Author