dzme1530.ph

PETISYON SA SUPREME COURT, HINDI MAKAKAHADLANG SA IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

KUMPIYANSA si Senate President Sherwin Gatchalian na hindi makakahadlang sa impeachment trial ang inihain na petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa pagkakahalal kay Senador Chiz Escudero bilang presiding officer.
 
Sinabi ni Gatchalian na wala namang utos ang Korte Suprema na ipatigil ang proceedings.
 
Nabasa aniya niya ang petisyon na humihiling ng status quo ante order na hindi naman pinagbigyan ng Korte Suprema kaya’t tuloy-tuloy lamang ang paglilitis.
 
Ipinaliwanag ni Gatchalian na kung sa tingin ng Supreme Court ay magkakaroon ng irreparable damage kung magpapatuloy ang impeachment trial, maaaring magpalabas ng status quo ante order o temporary restraining order.
 
Iginiit ng Senate leader na tuloy-tuloy lamang ang kanilang paglilitis at katunayan ay nakakasa na ang mga ipatatawag sa susunod na linggo.

About The Author