dzme1530.ph

PROSECUTION TEAM, MAY AASAHANG “PASABOG” SA SUSUNOD NA LINGGO SA PAGPAPATULOY NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

Loading

May aasahang “pasabog” ang prosecution team sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng impeachment trial.
 
‘Yan ang binanggit ni private prosecutor at trial spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., subalit tumanggi na itong ilahad kung ano ito.
 
Sinabi lang nito na, “Meron ho kaming matibay na ebidensya na ilalabas sa susunod na linggo.”
 
Paliwanag ni Tolosa, may sub judice rule, kaya hindi sila maaaring magsalita o maglahad ng mga bagay na hindi pa mapag-uusapan sa impeachment proceedings.
 
Hintayin na lamang umano ng publiko ang magiging testimonya nina NBI Director Melvin Matibag na nakatakda sa Miyerkules, July 15, at ni Atty. Jeremy Lotoc, ang regional director ng NBI sa BARMM, na sa Lunes naman, July 13, haharap.
 
Ayon naman kay prosecutor Ysabel Maria Zamora, nag-uumpisa pa lamang sila, at ang unang testigo ay pundasyon pa lamang ng Article IV, kaya inaanyayahan nito ang publiko na patuloy na sumubaybay.

About The Author