dzme1530.ph

DEFENSE CHIEF, PUMALAG SA PAG-ANGKIN NG CHINA SA BATANES

Loading

“Baseless and ludicrous o katawa-tawa.”
 
Pahayag ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kaugnay sa claims na pag-aari ng China ang Batanes sa pamamagitan ng Taiwan, kaya dapat ay agad pabulaanan ng lahat ng academics ang naturang teorya.
 
Binigyang-diin ni Teodoro na mayroong panganib na paniwalaan ng mga mamamayan ng China ang nasabing claims.
 
Idinagdag ng kalihim na hindi dapat hayaan na hindi sagutin ang pahayag ng China na tinawag niyang kalokohan.
 
Lumabas sa mga report na idineklara ng iba’t ibang researchers mula sa Chinese universities and institutes na ang kontrol ng Pilipinas sa Batanes ay kulang umano sa historical at legal basis.

About The Author