![]()
Bahagyang tumaas ang unemployment rate sa bansa noong Mayo kumpara noong Abril.
Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, naitala sa 4.8 percent ang jobless rate noong Mayo.
Bahagya itong mataas kumpara sa 4.7 percent na unemployment rate noong Abril.
Katumbas ito ng 2.5 milyong Pinoy na may edad kinse anyos pataas ang walang trabaho noong Mayo kumpara sa 2.41 million noong Abril.
Sa kabilang dako, bumaba naman ang underemployment rate sa 12.2 percent noong Mayo kumpara sa 15.2 percent noong Abril.
