![]()
Inilagay na sa red alert status ang buong puwersa ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council sa paghahanda sa pananalasa ng Super Typhoon Inday.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Office of Civil Defense Deputy Administrator, Assistant Secretary Rafaelito “Raffy” Alejandro IV, on standby na rin ang lahat ng kanilang search and rescue teams para sa anumang kaganapan.
Sinabi ni Alejandro na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak na mabawasan ang epekto ng bagyo.
