![]()
Bahagya pang lumakas ang Super Typhoon Inday habang nakataas na ang Signal No. 1 sa 12 lugar sa bansa.
Sa advisory ng PAGASA as of 11 a.m., huling namataan ang Super Typhoon Inday 1,270 kilometers silangan ng Northern Luzon.
Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay ng Super Typhoon Inday ang lakas ng hangin na umaabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 240 kilometers per hour.
Kung hindi magbabago ng direksyon at bilis, inaasahan ang Super Typhoon Inday sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng Linggo.
Isinailalim naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Isabela, hilagang bahagi ng Aurora, northern at central portions ng Catanduanes, northeastern portion ng Quirino, eastern portion ng Ifugao, Ilocos Norte, eastern portion ng Mountain Province, at northern portion ng Abra.