![]()
Walang isinampa na anumang reklamo ang pamahalaan laban sa mga Pilipinong nagprotesta sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada.
Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sa kabila ng naranasan niyang pangha-harass mula sa ilang Pinoy.
Sinabi ni Castro na nirerespeto ng gobyerno ang right to free speech ng mga nagpo-protesta, kaya hindi na nagsampa ng legal action.
Inamin ng Palace official na nagulat siya sa bastos na pag-uugali ng mga nagra-rally, subalit mas pinili niyang balewalain na lamang ang insidente.
Aniya, hindi niya alam na nag-viral sa social media ang mga video ng komprontasyon.
Dismayado si Castro sa mga nagprotesta, sa pagsasabing bagaman malaya silang ihayag ang kanilang mga pananaw, huwag naman sanang ipanalangin na mamatay ang isang tao at murahin nang ilang beses.
